Header Ads


Napapagod na rin akong umiyak at magdamdam

Gabi na naman. Isa na namang marka ang naiguhit sa talaan sa kung ilang beses kitang naalala't naiyak magmula noong araw na dinurog mo ang puso kong hibang na hibang sa'yo. Isang gabing nadagdag sa mga sandaling sinisisi ko ang sarili ko kung bakit bigla mo na lang nasabing tapos na tayo. Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko ngunit wala akong makuhang malinaw na sagot. Naging tapat naman ako sa'yo. Pero kahit ano pa ang sabihin ko wala ka na, wala na tayo. Masakit. Masakit lalo na't nalaman kong may iba ka ng mahal. Kaya heto, suko na ako. Napapagod na rin kasi ako. Napapagod na rin akong umiyak at magdamdam kapag naaalala ang sugat ng kahapon. Tama na. Tama na. Sana, ngayong gabing ito, ito na ang wakas. Sana, sana tlga, makalimutan na kita.